Hindi
mo nakikita, hindi mo naririnig
Ang
kanilang mga daing, ang kanilang mga tinig
Mula
sa umaga at hanggang sa gabi
Inaasam
pa ring muli kang makatabi.
Subalit
sa pagpatak ng malakas na ulan
Sa
bawat paghampas ng alon sa dalampasigan
Sa
taas ng mga bundok, at lalim ng dagat
Ang
alalahanin ka ay di pa rin sapat.
Nais
ka nilang mahagkan, nais kang mayakap
Subalit
nasaan ka, hindi pa rin matanggap
Na sa
sandaling ito'y nakikipagsapalaran
Naririyan
ka't nagtitiis sa lupain ng dayuhan.
Sa
bawat paggasta, sa bawat paghalakhak
Walang
nakakaalam, walang nakatitiyak
Kung
kailan mawawala ang lihim na kirot
Ang
sakit ng paglayo'y di pa rin malimot.
Kung
ang hanap nila'y ang iyong mga bisig
Sapat
na bang kaloob ang para sa bibig?
Kung
ang nais nila'y muli kang mamasdan
Sapat
na ba ang salapi upang lungkot ay maibsan?
Sabihin
mo, ipakita mo, kaibigan
Na sa
magkalayong mga puso'y may bukas pang nakalaan...
PANGUNGULILA ( Bersyon 3)
ang sariling bersyon ni Dhaye
hango sa unang bersyon na sinulat ni Pinoy