May mga bagay na kayhirap sambitin
Lalo na kung ang nararamdaman ay tunay at malalim
Sa araw-araw na ikaw ay nakikita,
May kung anong di maipaliwanag ang nadarama
Nagtatanong sa aking sarili at maging sa isipan
kung ito’y ramdam mo rin
Ngunit di pa makapagsalita at dinadaan na lang muna
sa iyong mga tingin at ngiti.
Sa iyong tingin at ngiti na may pakahulugan
May kung anong sa aking puso ang nararamdaman
Hindi ka man lamang ba magsasalita
Para ipabatid sa akin ang totoong nadarama?
Marahil ay naghihintay pa ng tamang panahon,
At ang kapalaran ang siyang magbibigay ng pagkakataon.
Sa ngayon, makokontento muna sa iyong mga tingin at ngiti
Babasahin muna nang palihim ang mga tingin mong may sinasabi
Ang iyong mga ngiti na di mo lang alam na nagbibigay sa aking ng sigla,
Na harapin ang buhay kahit na may dalamhati minsan, sa ngiti mo
ay may pag-asa pa
Makuha mo rin kayang basahin ang sinusukli kong tingin
at ngiti sa bawat sandali?
Huwag kang mag-alala ang puso ko naman ay hindi nagmamadali.
Elizabeth Esguerra Castillo aka
"Makatang Prinsesa"
Copyright June 10, 2014
http://www.writerscafe.org/lizbeth19ph