kahit ang dugo ko'y magiging tintaA Chapter by Caelusnakatingin nalang sa tuwing dadaan, di alam kung pa'no uumpisahan, ang usapan. bumabagal naman ang puso pag ikay tinitignan, ngunit nanlalamig at tila mauutal, sa tuwing ika'y aking nang lalapitan. bakit ba 'di ako makapagsalita? oo nga pala, ako'y natutulala sa 'yong ganda delikado, baliw na baliw sa'yo pwede bang dito ka nalang sa piling ko di naman ipipilit at handang mag hintay at mapasaya ka sana ng tulang aking iaalay Pagpasensiyahan mo kung gan'to ako'y nahulog na talaga sayo na kahit, bali-baliktarin man ang mundo, ikaw parin ang gusto ko. kaya idadaan nalang sa tula, ang mga damdaming diko mai-salita magawa sana netong tula kong tagalog at masabi kung papaano ako nahulog ang mahiyaing tulad ko at mga piyesang aking binuo. gramatiko ko'y basag at walang linis, magaspang na tila'y walang bihis, pero, tugma naman ang bawat linya. Tugma pa rin ang damdamin at piyesa. wala na makitang tagalog hindi na ako makaisip pa, ilong ko'y dudugo na sa kakahanap ng salita, pero kahit ang dugo ko'y gagawing tinta, para lamang ika'y mapasaya. © 2024 Caelus |
Stats
77 Views
Added on March 14, 2024 Last Updated on March 24, 2024 |

Flag Writing